Manny Pacquiao, Alay Ang Laban Kontra Kay Jeff Horn Sa Marawi Siege Victims
Ito ang sinabi ni Senator Pacquiao sa panayam ng Bombo Radyo GenSan.
Aniya, iaalay din nito ang laban sa mga nasalanta ng landslide, pagbaha at iba pang mga kalamidad.
Gayunman, hindi tiniyak ng fighting senator kung bibisitahin ang mga residente sa Marawi City kahit nakapagpadala agad ng tulong sa unang linggo pa lamang nang ipinairal ang Martial Law sa Mindanao.
Samantala sa isinagawang presscon kagabi sa kanyang bahay, muling natanong ang Pinoy ring icon kung mayroong mangyayaring knockout sa laban.
Tugon lamang nito na “mas mabuti” kung mas maaga na matatapos ang laban sa Australian boxer.
Source: Bombo Radyo
Manny Pacquiao, Alay Ang Laban Kontra Kay Jeff Horn Sa Marawi Siege Victims
Reviewed by Yen
on
June 17, 2017
Rating:

Post a Comment