Header AD

Luha At Agam-Agam, Bumaha Sa Send-Off Ceremony Sa Higit 500 Sundalo Patungong Marawi


Napuno ng magkahalong luha at agam-agam ang send-off ceremony na ginanap kahapon para sa higit 500 tropa na kasapi ng 82nd Infantry Batallion ng Philippine Army na tutulak na patungong Marawi City.

Emosyunal ang pamilya ng mga sundalo at nangingibabaw ang pangamba para sa seguridad ng kanilang mga mahal sa buhay na sasabak sa giyera, habang hinihintay ang dalawang C-130 plane na maghahatid sa mga sundalo sa Mindanao.

Hinatid ang mga sundalo ng kanilang mga magulang, kabiyak at mga anak habang dinaluhan din ng mga lokal na opisyal ng Panay at ni Monsignor Meliton Oso ang send-off ceremony.


Bukod sa mga salitang “mag-ingat” at “I love you,” dasal at rosary ang pabaon ng kanilang pamilya sa mga sundalo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo, pinayuhan ni Maj. Gen, Jonathan Aying, Commander ng 3rd Infantry Division (ID), ang mga tauhan nito na magtiwala lang sa Panginoon at magdasal para sa kanilang kaligtasan.

Hiling naman ni Aying sa pamilya ng mga ito na palakasin ang loob at morale ng mga sundalo at huwag bigyan ng palaisipan upang maka-focus sa trabaho.

Nabatid na sa ngayon, higit 1,000 tropa ng 3rd ID ang nakikipaglaban sa Marawi.

Inihayag naman ni Lt. Col. Vener Morga, commanding officer ng 82nd IB, aagapay sila sa clearing operation at papasukin ang ground zero sa Marawi.

Nakahanda na raw ang kaniyang tropa sa anumang mangyari bagama’t 90 percent sa mga ito ang unang pagkakataon na mai-deploy sa Mindanao.


Source: Bombo Radyo
Luha At Agam-Agam, Bumaha Sa Send-Off Ceremony Sa Higit 500 Sundalo Patungong Marawi Luha At Agam-Agam, Bumaha Sa Send-Off Ceremony Sa Higit 500 Sundalo Patungong Marawi Reviewed by Yen on June 17, 2017 Rating: 5

No comments

Post AD