Pagbalik Ko, Liligawan Kita: Huling Mensahe Ng Isang Sundalo Sa Marawi
“Pagbalik ko, liligawan kita.”
“Narinig ko yon,” sabi ko. Nagtawanan sila. Si Tap di
malaman kung saan magtatago at hiyang hiya.
“Bumalik ka muna nang buhay, saka tayo mag-usap,” ang huli
kong sinigaw. Kumaway siya nang nakangisi, sabay andar na ng truck papunta sa
Mapandi Bridge.
Hindi na nakabalik si Tsg Dinglasan nang buhay noong araw na
iyon. Siya ang kaisa-isang Marine na pumanaw noong araw na binawi ng Marines
ang Mapandi Bridge mula sa kamay ng mga terorista. Ang buddy niya, iyang
nakangiti sa tabi niya, ay nasugatan din.
Salamat sa serbisyo, Tap. Natuwa naman ako na kahit paano,
lumusob ka sa laban nang nakatawa.
Source: ANC
Pagbalik Ko, Liligawan Kita: Huling Mensahe Ng Isang Sundalo Sa Marawi
Reviewed by Yen
on
June 16, 2017
Rating:
Post a Comment